Curated Eats / Lifestyle

Hugot Cafe Manila

Mahilig ka bang humugot? If you are Single, Heartbroken or kahit masaya ka sa lovelife mo I think you will like the concept of the Hugot Cafe. Meron na silang ilang branches  na pwede nyong i-visit.

Hugot Cafe Manila is located at Hermosa Street Corner Limay Street Manila, Philippines. Sa taas sya ng BPI Hermosa & Salon 360(2nd floor) They are open from 1pm – 10pm (Tue-Sun)

Hugot Cafe Manila is on the 2nd floor of BPI Hermosa and Salon 360

Hindi nga rin namin alam ni Jhoe kung saan mismo yung Hugot Cafe. Ang alam lang namin ay sa Manuguit Tondo Manila sya so what we did is we asked several tricycle drivers in the area kung saan ang Hugot Cafe and naituro naman nila. Thank you friendly tricycle drivers!

One tip: kapag nag-ask kami ng directions sa isang lugar na di namin alam puntahan, we usually asked jeepney/tricycle drivers. Syempre mas familiar sila sa lugar if ever.
So ayun na nga. After naming magsimba sa Quiapo Church, pumunta kami dito. Ang lakas pa nga ng ulan habang on the way kami. Kaya ang sarap kumanta ng famous song ng Aegis “Heto akohohoho basang basa sa ulaaan.. Walang masisilungan. Walang malalapitan…”

Naka raincoat naman kami habang nagmomotor kaya di naman kami gaanong basa. Pag-akyat namin sa 2nd floor, ayan na ang Hugot Cafe!


Maliit lang and cute yung place. May mga 4 tables yata sya and what i liked is the #HugotWall nila where you can see post it notes na may mga Hugot from their Customers.

Makikihugot nga rin muna ako 🙂 Emo kunwari

This is the Hugot Wall

We checked their Menu first. Nakakatuwa din yung mga pangalan ng food na pwede mong iorder. Meron pa ring Hugot haha!



I checked their facebook page and took some screenshots of their menu. Ang catchy kaya! #hugotPaMore

P90 pesos pa yung price nila dito pero P100 na nung nagpunta kami


What we ordered is the BINESTFRIEND cheese fries, and for the Hugot Milkshakes we ordered the TWO TIMER (Double Dutch milkshake), Jhoe also ordered the IN A RELATIONSHIP CORNDOG (6 pieces na pwedeng pagsaluhan ng mgdyowa or kahit friends lang) and inorder din namin yung FRIED OREOS blocked (4pcs)

Sayang nga eh wala pala silang pasta na masarap sanang ipartner sa corndogs nila. Malay natin in the future dagdagan pa nila yung Menu. Pang meryenda or snack yung mga inooffer nilang food sa Menu so baka maghanap kayo ng burger or pasta ha wala pa sila for now non.

Kapag ready na ang inorder nyo, tatawagin ng server ang pangalan mo then may kasamang hugot based doon sa inorder mo. For example sa inorder namin.

Kuya Server: For Jhoe,  Binebestfriend ka lang at tinu-Two timer ka lang ng ka-In a Relationship mo kaya dapat sa kanya binablocked!

Ayos di ba? Mapipikon sana ako kaso si Jhoe nagsabi sa akin na pinagsama sama nila yung term ng food na inorder namin to form a Hugot, haha!  So ito na yung food. Kainan na!

Binestfriend Fries P65

Fried Oreo’s Blocked 4pcs. P45

IN A RELATIONSHIP Corndogs 6pcs. P60

TWO TIMER MILKSHAKE (Double Dutch ) P100


Dapat ang Milkshake na oorderin ko ay ang STICK TO ONE MILKSHAKE since stick to one naman ako haha.  Favorite ko kasi ang Chocolate flavor pero ayoko naman na umorder ng another one kaya nagshare na lang kami ni Jhoe. Saka baka di namin maubos  pag tig-isa pa kami.

In fairness, yung Milkshake ang pinaka nagustuhan ni Jhoe. Its not too sweet kaya di nakakaumay.

Parang relasyon lang yan, pag sobrang sweet nakakaumay…”

May ganern? Haha

Naenjoy ko yung BINESTFRIEND Cheesefries nila. Medyo crunchy at di gaanong maalat yung cheese sauce sa ibabaw.

It was a nice experience. Buti hindi  namin naexperience yung nabasa kong reviews ng iba ng pag-aantay  at pagpila ng one hour or more nung kabubukas pa lang ng branch nila. Parang blockbuster daw ang pila. Ang daming gustong humugot?

Sana dagdagan pa nila yung mga food choices like pasta and burger para masaya. Kudos din for the Fried Oreos nila, ang sarap! Sa Price di naman ganun kamahal, pasok pa rin naman sa budget. Nung nandun nga kami, mga students ang nasa katabing table namin. Kahit maliit yung place, mapapa selfie ka pa rin sa ambiance.

You can also check their Facebook page here:

https://m.facebook.com/hugotcafe/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s